




History
VISION
To become an innovative, service-oriented and profitable cooperative in Luzon, providing quality products, services and maximum profitability to its members thru committed employees.
MISSION
To become a successful cooperative bringing values thru products and services to its members thereby creating source of livelihood and improving their status in the community they live.
Ang Kooperatibang Pangkabuhayan ng Sta. Maria Multi-Purpose Cooperative (KPSM MPC) ay naitala sa ilalim ng Cooperative Development Authority (CDA) noong ika-01, ng Oktubre 2008. Tatlumpu’t apat (34) na miyembro ang nagpasimula, nagtiwala at sama-samang naglagak ng saping puhunan para sa pagsisimula ng Kooperatiba. Ang mga regular na kasapi ng Kooperatiba ay ang mga manggagawa ng Agrichexers Corporation.
Enero 2009 tumanggap ng kasamang kasapi (associate members) na mga mag-aalaga ng hayop at pinasimulan ng KPSM ang paiwi o paalaga ng baboy, manok at paitluging pugo sa mga barangay ng Sta. Maria tulad ng Guyong, Parada at Patag. Inilunsad din ang trading business (feeds at animal health products) gayundin ang savings and loans.
Isang pagsubok ang kinaharap ng mga ng fattener ng taong 2012. Ayaw hulihin ng mga biyahero ang mga paalagang baboy ng Kooperatiba dahil matataba daw ang mga ito. Lalong lumalaki ang mga fattener at kailangan na itong maharvest upang hindi na malugi pa ang mga contract growers. Bilang pagtugon sa suliraning ito at matulungan ang mga mga miyembrong mag-aalaga ay pinasimulan ang Meat Shop Operation. Dito ay ikinampanya ang “Safe Feed for Safe Food”. Miyembro man o hindi ay tinangkilik ang mga produkto sa meat shop kung kaya’t sa taong ding ito ay sinimulan na ang pagdedevelop ng iba-t ibang uri ng processed meat tulad ng longganisa, tocino at tapa.
Isang magandang pangyayari din ang naganap sa taong ito. Mula sa opisina na gawa sa container van ay nakapagpatayo ang Kooperatiba ng dalawang palapag na gusali na naging tanggapan nito.
Ilang kabataan ang natulungan ng Kooperatibang Pangkabuhayan ng Sta. Maria nang sinimulan ang Iskolar Food/Food Express. Ang layunin ng proyektong ito ay masuportahan ang pag-aaral ng mga estudyanteng nasa kolehiyo na nais makapagtapos ng pag-aaral subalit walang sapat na pantustos sa kanilang pag-aaral. Tatlong taon lamang ang itinagal nito ngunit ilang pangarap naman ang tinupad nito.
Nakitaan ng potensyal ang processed meat na sinimulan ng Kooperatiba kung kaya’t ang ikalawang palapag ng tanggapan ng nito ay ginawang commissary. Nagpagawa ng mga kagamitan at makina sa paggawa ng processed meat. Kumuha ng food technologist na mamahala sa commissary at siyang magdedevelop ng iba pang uri ng processed meat. Maliban sa tocino, tapa at lonnganisa ay nagsimula na ring magproseso ng chicken nuggets, chicken pops, chicken roll at pork burger
Upang higit na mapalawig ang operasyon ng paalaga hindi lamang sa Bulacan kung maging sa buong Luzon ay sinusugan ang Articles of Cooperation at By-Laws ng Kooperatibang Pangkabuhayan ng Sta. Maria. Noong ika-23 ng Hulyo ito ay inaprubahan at pinatunayan ng Certificate of Registration of Amendments of the Articles of Cooperation and By-Laws PEO-CRA No. 2014-07-035. Sa taong din ito ay nagsimulang magkaroon ng paalaga sa Batangas at Tarlac.
Ang Department of Trade and Industry ay may proyektong tinatawag na Shared Service Facility. Mapalad na napili ang Kooperatiba upang mapasa ang proposal para mapagkalooban ng ilang makina/kagamitan para sa paggawa ng processed meat. Sa taong ding ito ay naaprubahan ang proposal at nagsimulang magpabid para sa mga supplier ng mga equipment.
Pebrero 2016 ng ipinagkaloob ang mga processed meat equipment. Nagkaroon ng maikling programa para sa paglulunsad ng Shared Service Facility Project sa Kooperatibang Pangkabuhayan ng Sta. Maria . Ito ay pinangunahan ng DTI Provincial Director Zorina Aldana at ng kanyang mga kawani. Ang mga ipinagkaloob sa kooperatiba ay ang mga sumusunod; rapid filler, sausage/longganisa linker, silent meat cutter, burger patty maker, meat ball form-ing machine at vacuum sealer. Ang halaga ng mga equipment na ito ay umabat sa halos limandaang libong piso (P 500, 000.00).
Ang mga makinang ito ay maaaring magamit ng mga indibidwal o samahan na nangangailangan ng katulad na kagamitan sa kanilang negosyo. ito ay may kabayaran na ayon sa itinakdang halaga ng Kooperatiba.
Sa huling quarter ng taong 2016 din ay nagsimula ang Convenience Store at Feed Store. Sa kasalukuyan, ang Kooperatibang Pangkabuhayan ng Sta. Maria ay mayroon ng isangdaan at siyamnapu’t walong ( 198) miyembro.