




Contract Growing
Area of Operation
Sa bisa ng PEO-CRA No. 2014-07-035 na iginawad ng Cooperative Development Authority, ang Kooperatibang Pangkabuhayan ng Sta. Maria (KPSM) ay legal na makakapag-operate sa buong Luzon. Sa kasalukuyan ang KPSM ay may mga paalaga sa mga sumusunod na lalawigan:
-
Bulacan
-
Zambales
-
Bataan
-
Tarlac
-
Cavites
-
Rizal
-
Quezon Province
Mga Uri ng Proyektong Paalaga
Ang mga sumusunod ang mga klasipikasyon ng proyeko ng Paalaga:
-
Feed Subsidy – ang hayop ay galing sa miyembro at babayaran nya ang lahat ng nagamit nyang pakain, at animal health products sa takdang araw na mapagkakasunduan o sa pagbebenta ng kanyang hayop. Hindi pwede basta bumili ng Sisiw/Biik ang kasapi. Dapat masuri muna ang Supplier nito bago bilhin.
-
Paiwi – ang hayop ay galing sa Kooperatiba gayundin ang pakain, animal health products, bakuna, dewormer at disinfectant at babayaran lahat ng miyembro matapos na mabenta ang hayop.
Hatian ng tubo/lugi sa dalawang klasipikasyon ng Proyekto ng Paalaga ay ang sumusunod:
A. Feed Subsidy
A1. Broiler – ang tubo/lugi matapos iawas lahat ng nagastos ay paghahatian (20/80) ng KPSM at ng miyembro.
A2. Hogs – ang tubo/lugi matapos iawas lahat ng nagastos ay paghahatian (30/70) ng KPSM at ng miyembro.
B. Paiwi
B1. Broiler - ang tubo/lugi matapos iawas lahat ng nagastos ay paghahatian (30/70) ng KPSM at ng miyembro.
B2. Hogs – ang tubo/lugi matapos iawas lahat ng nagastos ay paghahatian (40/60) ng KPSM at ng miyembro.
-
Ang Kooperatiba ay may karapatang baguhin ang mga nabanggit na hatian upang mapangalagaan ang miyembro lalo na kung ang presyo ng produkto ay mababa.
Trading
Feeds Store
-
Feeds
-
Animal Health Products
-
Nipple Drinker and other Farm Supplies
Meat Shop
Processed Meat
Savings and Loans
Bills Payment and Remittance